bata batuta Moderator
Posts : 1325 Join date : 2008-10-02 Age : 38 Location : playground
| Subject: PseudoWriter - kuryente, pawis at dugo - february 5, 2009 Thu Feb 05, 2009 11:55 pm | |
| mainit. maraming tao. marumi. mabaho.
yan ang nakita ko sa isang gusali na pinuntahan ko kahapon. magbabayad sana ako ng bill namin sa kuryente. november ang bill. january na. di ko alam kung makakbayad pa ako. mga alas diyes na umaga pumunta ako sa isang gusali na sa tapat ng skul namin. maraming tawo, sa labas at loob, di na ako pumasok. kumuha ako ng number at umalis, gumala...
alas dos ng hapon nang ako'y nakabalik. sarado ang pintuan. sa likod ako dumaan. maraming tao,mabaho, marumi, sari saring tao nandun, mayaman, mahirap, matanda, bata, driver, katulong, may mga dalang anak, buntis, bakla. maingay, may mga naka upo, may mga pumipila, basta maingay, mabaho, di ko alam kung sino ang nag ebak na hindi na flush oh jumingle sa sahig ng banyo. may airon, pero mainit pa rin. may nag bebenta ng mani at kasoy kahit walang bumibili. ang mga bentilador naka harap sa mga empleyado, pero di ko na pinansin, sa kanila naman yung opisina eh. pumila ako.pagdating ko sa counter, pinakita ang bill at saka linabas ko ang pera. hindi raw pwedeng bayaran ang bill namin. kailangan full payment. umalis ako, bumili ng dvd, at umuwi...walang kwentang araw...
welcome to iloilo city | |
|